Welcome to the Netflix Partner Help Center. Have a question or need help with an issue? Send us a ticket and we'll help you to a resolution.

Audio Description Style Guide v2.5

 

LAYUNIN

HANGARIN

1.0 MGA FUNDAMENTAL

1.1 MGA BASIC

1.2 PAGLALARAWAN NG MGA ACTION

         SINO

         ANO

         KAILAN/SAAN

         PAANO

1.3 CENSORSHIP

1.4 CONSISTENCY NG PAGLALARAWAN

2.0 PAGLALARAWAN NG ON-SCREEN ELEMENTS AT CREDITS

2.1 ON-SCREEN TEXT

2.2 MGA SUBTITLE PARA SA MGA DIALOGUE NA NASA IBANG WIKA AT MAHIRAP MAINTINDIHAN

2.3 MGA SUBTITLE PARA SA MGA KANTANG NASA IBANG WIKA

2.4 MGA LOGO

2.5 MGA TITLE AT CREDITS

2.6 CREDITS NG AUDIO DESCRIPTION

3.0 VOICING

3.1 VOICE CASTING

         KASARIAN

         EDAD

         VOICE QUALITY

         ACCENT

3.2 VOCAL APPROACH

3.3 CONSISTENCY NG DESCRIBER

4.0 MGA GENRE

4.1 PAMBATANG CONTENT

4.2 CONTENT NA HORROR/SUSPENSE

5.0 MGA PLOT DEVICE

5.1 FORESHADOWING

5.2 MGA CAMERA ANGLE AT SHOT CHANGES

5.3 MGA MONTAGE

5.4 PAGLIPAS NG PANAHON

6.0 MGA TECHNICAL REQUIREMENT

 

 

LAYUNIN

Naglalaman ang dokumentong ito ng listahan ng mga kinakailangang kasanayan kapag nag-o-originate ng audio description para sa content ng Netflix. Hindi ito inilaan o hindi dapat gamitin bilang kumpletong gabay tungkol sa Audio Description. Magtanong sa Netflix representative mo para sa anumang detalye na hindi nasaklaw sa dokumentong ito o kung may anumang standard na kasanayan sa territory mo na hindi umaayon sa guidelines na ito.

 

HANGARIN

Gawing accessible ang audiovisual material sa pamamagitan ng tumpak na pagpapahayag ng mahalagang plot at/o mahalagang impormasyon tungkol sa character na malamang na hindi mapansin ng isang viewer na may kapansanan o may problema sa paningin.

 

1.0 MGA FUNDAMENTAL

1.1 MGA BASIC

Gamitin ang pinakamahusay mong pagpapasya at pag-isipan ang mga limitasyon sa oras kapag tinutukoy ang dami ng detalyeng isinasama mo at bigyang priyoridad ang paglalarawan ng karamihan sa mga nauugnay at mahalagang character at action sa eksena. Iwasan ang labis na paglalarawan—huwag isama ang mga visual na larawan na hindi mahalaga para maintindihan o ma-enjoy ang eksena. Maglaan ng space para sa dialogue, sound effects, music, at intended silence. Dapat gawing priyoridad kahit kailan ang mga dialogue at kanta na mahalaga sa plot. 

 

1.2 PAGLALARAWAN NG MGA ACTION

Kapag naglalarawan ng mga action, hindi kasama ang lahat ng element sa lahat ng pagkakataon. Tukuyin kung ano ang pinakamahalaga para dumaloy ang kuwento nang walang negatibong epekto sa experience ng manonood. Iwasan ang pag-overload ng impormasyon kung hindi ito mahalaga o kung makukuha naman ang parehong detalye mula sa dialogue/music.

 

SINO

  • Pagtuunan ng pansin ang paglalarawan ng mga pangunahin at kaugnay na pansuportang character at ilarawan ang visual aspects na naglalahad ng impormasyon tungkol sa kanilang pagkakakilanlan, personalidad, at mga katangian (ano ang hitsura nila, paano sila kumilos, ano ang suot nila, kanilang mga facial expression, atbp.).
    • Unti-unting nagiging kinatawan ng diversity ng human experience ang content natin. Kapag pinag-iisipan kung sino ang ilalarawan at kung sa anong detalye, pag-isipan ang mga pangangailangan ng plot at ang kahalagahan ng respresentation. Dapat na maging makatotohanan ang paglalarawan at bigyang priyoridad ang mga visual na katangian ng isang indibidwal para mailahad ang kanilang pinakamahahalagang katangian na tumutukoy sa kanilang pagkakakilanlan, gaya ng paglalarawan ng texture ng buhok, kulay ng balat, kulay ng mga mata, pangangatawan, taas, at edad (gaya ng late thirties, fifties, teenager, atbp.), mga katangiang nauugnay sa mga kapansin-pansing kapansanan, atbp. at dapat gawin nang consistent sa lahat ng inilalarawang pangunahin at nauugnay na pansuportang character, (hal. huwag ihiwalay ang isang character dahil sa isang partikular na katangian, pantay-pantay na ilarawan ang lahat) at gumamit ng first-person approach (hal. “isang swimmer na may iisang binti” sa halip na “isang one-legged swimmer”).
    • Kung hindi makumpirma o maitaguyod ang plot, huwag manghula o mag-assume ng racial, ethnic, o gender identity. Sa halip, pagtuunan ng pansin ang mga pisikal na katangian ng mga character gaya ng inilarawan sa itaas.
  • Para sa mga non-fictional character, tukuyin kung gaano kakilala/hindi kakilala ang mga ito sa territory mo para makapagpasya kung aling mga element ang ilalarawan. Posible rin itong i-apply sa mga fictional character (hal. isang leprechaun). 
  • Sa mga sitwasyon na may mga limitasyon sa oras o may overload ng impormasyon, dapat unti-unting ilarawan ang mga character.
  • Dapat isama sa paglalarawan ang mga natukoy na ugnayan kapag nalantad na ang mga ito.
  • Inaasahang hindi papangalanan ang mga character hanggang sa ipakilala ang mga ito gamit ang dialogue o plot-point. Pero puwedeng pangalanan ang mga character sa unang beses nilang paglabas kung bahagi sila ng pop culture o kung kinakailangan para sa timing at clarification, pati na rin para matukoy ang mga character sa isang malaking grupo. 
    • Huwag pangalanan ang mga character kung sinasadyang hindi sila makiilala.
    • Kapag nagpapangalan sa mga character sa unang pagkakataon bago sila ipakilala gamit ang dialogue, subukang magsama ng descriptor bago ang pangalan, (hal. “isang lalaking may balbas, si Jack”).

 

ANO

  • Puwedeng ipahayag sa paglalarawan ang mga facial expression, body language, at mga reaction, lalo na kung sumasalungat ito sa dialogue. Puwedeng alisin ang mga element na ito kung ganap nitong kinokopya ang dialogiue na kasama ng mga ito.
  • Dapat isama ang mga element ng visual style o wika ng film kapag mahalaga ito sa kuwento at/o genre (halimbawa, mga text typographical feature na naglalahad ng kahulugan o shaky na kuha ng handheld camera).
  • Dapat isama ang directional movement kung mahalaga ito.
  • Dapat maging detalyado ang paglalarawan hangga't maaari at iwasan ang mga karaniwang salita at/o pangalan ng brand, maliban kung mahalaga sa plot.
    • Exception: kung hindi makumpirma, huwag hulaan. Sa halip, gumamit ng karaniwang salita. (Kung hindi makumpirma kung ano ang hinihiwa ng chef, mas mabuting sabihin na naghihiwa siya ng herbs kaysa sabihin naghihiwa siya ng parsley—magtanong sa Netflix representative mo.)
  • Puwedeng sumangguni sa mga kulay kapag mahalaga ito sa eksena at kapag pinapayagan ng oras.
  • Bagama’t hindi maiiwasan ang ilang subjectivity, hindi dapat maging opinionated ang paglalarawan maliban kung hinihingi ito ng content. 

 

KAILAN/SAAN

  • Dapat isama sa paglalarawan ang lokasyon, oras, at lagay ng panahon kung mahalaga sa eksena o plot.
  • Kapag pumipili ng antas ng ibibigay na detalye, tukuyin kung may symbolic function ang isang setting (halimbawa, kung nakakatulong ito para i-reconsctruct ang mga katangian ng isang character) at kung naghahatid ito ng impormasyon na mas nauugnay sa plot kaysa sa iba pang element.
  • Pinakamainam na magbigay ng directional na paglalarawan para sa visual action mula sa posisyon ng katawan ng viewer. (“Tumakbo ang daga sa likod ng puno sa kanan ng bahay.”)
  • Kapag gumagawa ng Audio Description para sa wika maliban sa orihinal na wika, tukuyin kung gaano kakilala/hindi kakilala ang setting sa labas ng orihinal na audience at ilarawan batay rito (pagpapangalan vs pagpapaliwanag. Pinakamainam na magpangalan at magpaliwanag kung may oras pa, hal. Tower Bridge—isang may turret na tulay sa ilog Thames; may suot siyang barretina—isang pulang Catalan hat).

 

PAANO

  • Dapat na maging informative at conversational ang paglalarawan, nasa present tense at third-person omniscient. Puwedeng gumamit ng second-person plural kung mahalaga ito sa content style (Humarap siya sa camera at kumindat sa atin), lalo na sa mga pambatang programa (Saan niya tayo dadalhin ngayon?).
  • Dapat ipakita ng vocabulary ang predominant na wika/accent ng program (halimbawa, American English vs .British English, Castillan Spanish vs. Mexican Spanish, atbp.) at dapat na maging consistent sa genre at tone ng content habang isinasaalang-alang din ang target audience.
    • Dahil nagbabago ang wika, pagtuunan ng pansin ang mga salitang pinipili mo at historical context ng mga ito. Magsagawa ng research kung kinakailangan, at iwasang gumamit ng mga salita na nagpapahayag ng mga negatibong connotation o bias sa isang komunidad o itinuturing na luma na o hindi na naaangkop. Sumangguni sa Inclusive and Sensitive Language Guidelines ng wika mo, pati na rin sa Sensitive Terms library sa Terminology, at magtanong sa Netflix representative mo kung kailangan ng karagdagang tulong.
  • Pagtuunan ng pansin ang mga pandiwa (verbs). Pumili ng pinakaangkop na pandiwa na mas malinaw at mas madaling maglahad ng aksyon, kaysa gumamit ng mga karaniwang pandiwa na may kasamang pang-abay (adverb) (hal. paika-ika siyang naglakad, kaysa naglakad siya nang may paghihirap).
  • Dapat gumamit ng mga karaniwang salita sa halip na buong paglalarawan (nag-pliè vs. nagbaluktot ng tuhod).
  • Dapat lang gumamit ng mga panghalip (pronoun) kung malinaw kung sino ang tinutukoy nito. Magtanong sa Netflix representative mo kung kailangan mo ng paglilinaw sa gagamiting panghalip.
  • Kung maglalarawan ng mga hugis at laki, inirerekomendang ihambing ang mga ito sa mga pamilyar na bagay. Gumamit ng mga bagay na nakikilala ng lahat para ilarawan ang mga laki, hal. iwasan ang paglalarawan ng 100 m bilang haba ng isang football field, na isang US-centric reference, at piliin gumamit ng alternatibong mas mauunawaan sa buong mundo.
  • Dapat lang gamitin ang paglalarawan ng dialogue bilang huling opsyon, halimbawa kung saan hindi mailahad nang maayos ang plot kapag hindi maglalagay ng paglalarawan. Sa ganitong mga sitwasyon, okay lang na ilarawan ang palakpakan, tawanan, paulit-ulit na dialogue, o music. Huwag ilarawan ang pangunahing dialogue maliban kung talagang kinakailangan.
  • Ituring na dialogue ang mga lyrics, at ilarawan lang kung kinakailangan. Kung sakaling kailangang ilarawan ang lyrics, hayaan munang itaguyod ng kanta ang mensahe nito. Kung hindi naman nauugnay ang lyrics at mas mahalaga ang visuals, ilarawan kung ano ang nangyayari. Magdagdag lang ng paglalarawan kung umuulit ang lyrucs, hal. sa chorus.
  • Putulin lang ang music, sound effects (halimbawa, fight sounds at explosion sounds sa mga action scene), at intentional silence kung may mahalaga at naaangkop na impormasyong kailangang ilarawan.

 

1.3 CENSORSHIP

Iwasan ang censorship: Huwag mag-censor ng anumang impormasyon. Gawing simple ang paglalarawan kapag tumutukoy sa paghuhubad, sexual acts, at karahasan. Dapat umangkop ang gagamiting wika sa target audience at rating (sumangguni sa content ng program). Magtanong sa Netflix representative mo kung kailangan mo ng tulong sa pagtukoy ng target audience at rating ng isang partikular na title.

 

1.4 CONSISTENCY NG PAGLALARAWAN

Dapat manatiling consistent ang pagpili ng salita, mga katangian ng character, at visual elements (hal, pagpapangalan sa mga lokasyon) sa paglalarawan sa kabuuan ng content at sa lahat ng episode/season. Dapat gumawa ng glossary na maglilista ng mga karaniwang descriptor.

 

2.0 PAGLALARAWAN NG ON-SCREEN ELEMENTS AT CREDITS

2.1 ON-SCREEN TEXT

Tukuyin kung ibinigay na ng iba pang element ang impormasyon, gaya ng dialogue, bago maglagay ng paglalarawan. Puwedeng ilagay ang text nang naka-synchronous o asynchronous, verbatim o paraphrased.

Puwedeng gumamit ng iba't ibang technique para magpakilala ng text, i.e. paliwanag (“lumalabas ang mga salita”), pagbabago sa tone of voice para gumawa ng distinction sa pagitan ng reading text at aktwal na paglalarawan o ibang voice/s. Magtanong sa Netflix representative mo bago mag-cast ng mga karagdagang voice.

Dapat mabasa ang mga Legal Disclaimer nang walang pagbabago. 

 

2.2 MGA SUBTITLE PARA SA MGA DIALOGUE NA NASA IBANG WIKA AT MAHIRAP MAINTINDIHAN 

Dapat gamitin sa pagpapakilala ng mga subtitle ang parehong mga technique na ginamit sa on-screen text (pagpapaliwanag, pangalan ng nagsasalita, pagbabago sa tone, maramihang voice). Dapat verbatim na mabasa sa paglalarawan ang mga subtitle. Dapat ding isama ang original dialogue audio para maiwasan ang pagkalito pero hayaan ang manonood na marinig ang original dialogue sa background. Banggitin ang “subtitles” kung kinakailangan para iwasan ang pagkalito (halimbawa, sa unang beses na lumabas ang mga ito sa screen) at ipakilala ulit kung marami nang oras ang lumipas bago ito lumabas ulit.

Dapat lang isama sa paglalarawan ang mga subtitle para sa dialogue na mahirap maintindihan kapag hindi maintindihan ang audio. Iwasang ilarawan ang mga line na maiintindihan naman mula sa original version.

Para sa mga content na maraming subtitle, posibleng kailangan ng maraming voice para tulungang i-differentiate ang mga nagsasalita. Magtanong sa Netflix representative mo bago mag-cast ng mga karagdagang voice.

 

2.3 MGA SUBTITLE PARA SA MGA KANTANG NASA IBANG WIKA

Kapag mahalaga sa plot ang lyrics ng kanta at may subtitle, dapat itong basahin ng AD voice. Hindi dapat kantahin ang mga ito pero dapat na may timing para umangkop sa rhythm ng music hangga’t maaari habang pinapayagang marinig ang mahahalagang bahagi ng original.

Kung walang subtitle ang original lyrics pero mahalaga sa plot, ituring na dialogue ang mga ito (huwag tabunan ng pagsasalita ang mga ito).

 

2.4 MGA LOGO

Kung may oras pa, dapat magbigay ng paglalarawan para sa anumang logo na nasa screen para isama ang anumang pangalan ng studio o kompanya at mga detalye ng larawan. Maging consistent sa mga paglalarawan ng logo, na iniisip na nagbabago ang mga ito sa paglipas ng panahon.

Kung mayroon, dapat ilarawan ang Netflix Ident batay sa Netflix Original Credits document.

 

2.5 MGA TITLE AT CREDITS

Dapat kasama sa paglalarawan ang anumang opening at closing credits na may na-adjust na tone kapag hindi masyadong nakakagambala. Pero kung nakakaabala ito sa simultaneous dialogue at action, posibleng gumawa ng mga adjustment sa timing, gaya ng grouping, para ipakita ang text bago o pagkatapos ng aktwal na paglabas ng credits. Isasama ang credits kung may oras pa. Posibleng i-condense ang mga ito kung limitado ang oras. Bigyang priyoridad ang credits depende sa pagkakasunod-sunod ng paglabas nito. Mainam kung mailarawan ang sumusunod na credits sa opening at/o closing credits.

  • Creator, Writer, Director, Main Cast, Producer, Executive Producer, Director of Photography, Editor, Music & Sound ni

Kung hindi masasaklaw ang lahat ng credits at kung may oras pa, ilahad na nagkaroon ng mga edit gamit ang isang line gaya ng “isusunod ang iba pang credits.”

Kapag gumagawa ng Audio Description para sa isang wika maliban sa original na wika (hal. AD na may kasamang dub), saklawin lang ang credits sa itaas kung nasa parehong wika ng ginagawa mong AD ang mga ito. Kung hindi, ihayag na lalabas ang credits sa nauugnay na wika gamit ang line gaya ng “lalabas ang opening credits sa wikang Japanese.” Kung may oras pa, basahin ang credits na lalabas sa dub card pagkatapos ng credits na nakalista sa itaas o kapalit ng Main Cast sa original crawl.

Ipakilala ang title ng content sa pamamagitan ng paglalahad ng “title” bago ang pangalan. Ipakita ang typography kung kailangan. Kapag gumagawa ng Audio Description sa isang wika maliban sa original na wika (hal. AD na may kasamang dub), gamitin ang mga translation na inaprubahan ng Netflix para sa Main Title na makikita sa Terminology tool.

 

2.6 CREDITS NG AUDIO DESCRIPTION

Isama ang AD post-house name, scriptwriter, at voice talent credts sa loob ng AD track, pagkatappos ng huling frame ng picture ng main program at bago matapos ang credit crawl. Kung may mga limitasyon sa oras o karagdagang element na hindi bahagi ng main program (halimbawa, mga preview), magtanong sa Netflix representative mo para tukuyin kung saan mas magandang ilagay ang credits.

 

3.0 VOICING

3.1 VOICE CASTING

Dapat piliin ang AD voice ayon sa mga sumusunod na category:

 

KASARIAN

Dapat piliin ang kasarian ng AD voice para i-complement o i-contrast ang karamihan sa mga voice sa film. Iniisip ng iba na madali lang tukuyin kung alin ang dialogue at ang describer. Sa iba naman, dapat itong mag-match batay sa paksa. Dapat itong pagpasyahan depende sa sitwasyon.

 

EDAD

Dapat mag-match ang edad ng AD sa content at edad ng target audience, hal. voice ng teenager o young adult ang mas pipiliin para sa Sex Education, bagama’t hindi mahalaga kung ano ang kasarian. Exception dito ang mga program para sa malilit na bata kung saan pinakamainam ang isang mapagkalingang (nurturing) voice.

 

VOICE QUALITY

Dapat mag-match ang quality ng AD sa dominant mood ng content, hal. malambing na voice para sa isang love story, mas magaspang na voice para sa isang taga-West.

 

ACCENT

Dapat iparinig ng voice actor ang predominant na accent sa program (halimbawa, American English vs British English; Castilian Spanish vs Mexican Spanish, atbp.).

Mas mahalaga kaysa sa mga katangian ng kanilang vocals, dapat na nauunawaan ng voice talent kung ano ang content ng program at dapat niyang maihayag ang emosyon sa isang eksena.

Nagkakaroon ng malilikhaing posibilidad sa AD kapag may higit sa isang AD voice. Magtanong sa Netflix representative mo bago mag-cast ng mga karagdagang voice.

 

3.2 VOCAL APPROACH

Dapat mag-match ang delivery ng paglalarawan sa volume, pace, emotional tone, at rhythm ng content. 

  • Voice - Iwasan ang monotonous o sing-song na delivery. Kailangang matutukoy ang voice ng narrator mula sa iba pang voice na nasa content, pero hindi ito dapat nakakaabala o over-animated, na nagiging voice ng performer maliban kung kinakailangan ito sa content. Para sa mga piling title, posibleng humiling sa iyo ang Netflix representative mo ng partikular na delivery depende sa uri ng content (halimbawa, mas emphatetic para sa isang emosyonal na fiction title).
  • Pagbigkas at bilis ng pagsasalita - Magsalita nang malinaw at sa bilis na maiintindihan. Iwasang magsalita nang napakabilis o napakabagal. Hangga’t maaari, dapat sumabay ang bilis ng paglalarawan sa bilis ng eksena. Sa isang romantic sequence, dapat casual na dumaloy ang paglalarawan at hayaang magkaroon ng katahimikan o mga paghinto kung kinakailangan. Dapat itong mas mabilis at mas staccato para sa mga eksenang labanan o habulan. 

 

3.3 CONSISTENCY NG DESCRIBER

Dapat gamitin ang parehong voice talent sa lahat ng episode at season ng isang searies, pati na rin sa mga sequel ng pelikula hangga't maaari. Magtanong sa Netflix representative mo kung hindi mo makuha ang parehong voice talent o kung naniniwala kang mas angkop sa partikular na uri ng content ang paggamit ng iba't ibang voice talent (halimbawa, anthology series).

 

4.0 MGA GENRE

Tukuyin ang genre, visual style, at spatio-temporal setting (saan at kailan) na kinabibilangan ng content, pati na rin ang audience nito. Pumili ng mga salita at expression mula sa parehong semantic field. Sumangguni sa original script/screenplay kung kailangan at kapag available.

4.1 PAMBATANG CONTENT

Dapat mag-match ang tone at vocabulary sa range ng edad ng target audience at posibleng angkop ang mas intimate style. Para sa mga educational material o sitwasyon kung saan may hinihiling sa viewer na sumunod sa mga partikular na aksyon ng isang character sa screen, dapat maging malinaw ang paglalarawan para matukoy ng audience na may kapansanan sa paningin ang audience na tinutukoy nito (“para sa atin”; “subukan natin”), sa halip na ang character na nasa screen. 

 

4.2 CONTENT NA HORROR/SUSPENSE

Dapat isaalang-alang ng paglalarawan ang mga intentional pause, dramatic silence, at musical score para hayaan ang audience na may kapansanan sa paningin na ma-experience ang parehong build-up ng suspense na inilaan ng production. Dapat itong maipakita sa delivery.

 

5.0 MGA PLOT DEVICE

Bagama't hindi dapat gumamit ng jargon at mga teknikal na salita, puwedeng gamitin ang film terminology na naging bahagi na ng karaniwang vocabulary kung kailangan ito para sa timing at paglilinaw o kapag naaangkop sa kuwento at/o genre (halimbawa, “naka-close up na ngayon”).

5.1 FORESHADOWING

Mas mainam na maglarawan nang naka-synchronous gamit ang larawan, lalo na kung nauugnay ito sa mga nakakatawang sitwasyon. Pero posibleng mag-adjust ng timing ang paglalarawan (pre-description) para maipakilala nang maaga ang mga plot element kapag walang ibang paraan para mabisang ipaalam sa audience ang tungkol sa content. 

 

5.2 MGA CAMERA ANGLE AT SHOT CHANGES

Kapag mahalaga ang mga pagbabago ng kuha para maintindihan ang eksena, ipahayag ito sa pamamagitan ng paglalarawan kung nasaan ang action o kung nasaan ang mga character sa bagong kuha. Dapat lang isama ang mga camera angle o point-of-view sa paglalarawan kung naaangkop sa content (“mula sa itaas” at “bird’s eye view”). 

 

5.3 MGA MONTAGE

Kapag may oras pa, ilarawan ang mga montage ng mga larawan o series ng mga larawan. Kapag mahalaga ang mga larawan pero limitado ang oras, i-highlight ang ilan sa pinakamahahalagang larawan.

 

5.4 PAGLIPAS NG PANAHON

Palaging ipahayag ang mga pagbabago ng oras/panahon kaugnay ng (mga) character. Kapag naglalarawan ng ilang panahon, gaya ng mga flashback o dream sequence, ilarawan ang mga visual cue na nagpapahiwatig nito, at maging consistent sa buong program.

 

6.0 MGA TECHNICAL REQUIREMENT

Dapat na haluan ng sound ang paglalarawan na parang bahagi ito ng original content. Para sa 5.1, dapat ihalo ang paglalarawan sa center channel. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mix, sumangguni sa aming technical specs.

  • Para sa 5.1 Printmaster (PM), i-dip lang ang center channel para sa mga descriptive event. Para sa malalakas na section o para sa mga film na may napakalawak na dynamic range, okay lang na i-dip din ang Kaliwa at Kanang channels ng isang 5.1 PM, na karaniwang hindi lalampas sa -6db, at kung minsan ay hanggang -12db kung talagang kinakailangan.
  • Para sa 2.0 Printmaster, i-dip ang parehong channel kung kinakailangan.
  • Puwede ring manual na i-dip ang original Version/PM. Posibleng hindi na mataasan pa ang Voiceover/AD nang higit sa specifications ng lakas ng Netflix para matabunan ang malalakas na event sa Printmaster audio.
  • I-dip ang original version mix 6-12 dB, batay sa pagpapasya ng mixer. Dapat na maging malinaw at naiintindihan ang AD/VO audio kapag may natural presence ng OV dialog sa ilalim nito. Mga subjective na pagpipilian ito kaugnay ng dynamics ng OV/PM at ang inaasahang volume ng mix kapag nalagyan na ng AD Voiceover.
  • Hindi dapat gamitin ang mga side-chained compressor sa oras na mas maikli sa 2ms at mas mahaba sa 15ms. Gamitin ang pinakamahusay mong pagpapasya para iwasang magkaroon ng compression artifacts, gaya ng pumping o popping. Magkaroon ng transparent at natural na response.
  • Dapat na sumunod ang mix level sa LKFS loudness at true-peak specifications ng Netflix.
  • Dapat mag-transition ang mix level papunta/mula sa mga dip para sa mga descriptive event na hindi lalampas sa 5 segundo. Iwasan ang biglaang pag-transition at kapansin-pansing pagbabago ng level para makagawa ng isang seamless experience.
  • Kaugnay ng EQ at dynamic processing - Dapat maging natural ang tunog ng VO. Karaniwang nangangailangan lang ng kaunting pagpo-process ng EQ at dynamic Compression ang isang magandang recording. Iwasan ang labis na pagpo-proess. Iwasan ang paggamit ng noise reduction, dahil dapat na malinis na ang mga recording. (Puwedeng magdulot ang NR ng serious artifacts kapag madalas na ginamit).

 

 

 

Change Log

2023-04-27

  • Naidagdag na ang mga link ng Inclusive and Sensitive Language Guidelines at Sensitive Terms.
  • Na-update na ang Titles and Credits instructions para sa non-original language AD.
  • Na-update na at inilipat sa ibang section ang credits ng Audio Description.
  • Na-update na ang consistency ng describer.
  • Inilipat na sa ibang section ang mga technical requirement.
Was this article helpful?
0 out of 0 found this helpful