Pinag-uugnay natin ang mga global storyteller at mga lokal na boses para maging accessible ang kasiyahan sa lahat ng audience sa pamamagitan ng innovation at authenticity.
TRANSLATION/ADAPTATION
- Mga Colloquialism
- Gusto nating maka-relate ang mga audience natin sa content na pinapanood nila at maipaabot ang mensaheng gustong iparating ng original voice (“OV”). Maliban kung period piece ang content o kung ang paggamit ng wika sa OV ay iba sa paraan ng pagsasalita ng mga tao sa ngayon, ang suggestion natin ay gumamit ang mga dubbing translator ng kolokyal na pananalita kapag naaangkop ito sa content.
- Censorship
- Layunin nating respetuhin ang orihinal na creative na layunin hangga't posible sa mga dubbed version natin. Dapat isalin ang dialogue (kasama ang mga pagmumura) nang tapat hangga't posible, nang hindi gumagamit ng dialect o mga salitang magpapasok ng level ng kabastusang hindi ipinapahiwatig sa content. Lubos nating hinihikayat ang mga dubbing adapter na huwag bawasan o i-censor ang kahit anong pagmumurang ginamit sa OV (nang sumusunod sa mga lokal na batas).
- Lip Sync at Layunin
- Gusto nating subukan ng mga dubbing partner natin na gawing perfect ang lip-sync, gayunpaman, ayaw nating isakripisyo ang mensahe at layunin ng OV para lang i-prioritize ang perfect na lip-sync. Priority natin ang orihinal na layunin ng dialogue at umaasa tayo sa kaalaman ng ating mga dubbing translator/adapter sa pagpapasya kapag hindi puwedeng makamit ang dalawang katangiang ito.
- Sensitibo at Inclusive na terminology
- Mga priority sa Netflix ang Inclusion at Diversity (“I&D”) at bagama't malayo na ang narating natin, may mga matututunan pa rin tayo pagdating sa mas mahusay na pagpaparating ng ating mga pangangailangan at inaasahan sa dubbing community. Kapag pinag-uusapan ang I&D sa content natin, magbibigay ng gabay at suporta ang dubbing team ng Netflix para matiyak na nire-represent natin ang mga orihinal na character sa pinakamagandang paraang posible.
- Kilala nang Intelektwal na Ari-arian at mga Franchise
- Ang ilan sa ating mga show ay batay sa o ibabatay sa kilala nang intellectual property (“IP”) na na-translate na para sa iba pang anyo ng content (mga video game, libro). Ibibigay ng dubbing team kung aling mga source ang dapat gamitin bilang mga pangunahing sanggunian para maging consistent sa lahat.
- Research
- Ang ilan sa ating mga pelikula at series ay gumagamit ng bokabularyong partikular sa paksa na posibleng hindi alam ng karamihan. Gusto nating hikayatin ang mga translator at adapter na nag-aasikaso ng ganitong content na magkaroon ng dati nang kaalaman/karanasan at/o mag-research nang mabuti para masiguradong may parehong level ng expertise ang mga dubbed version natin. Makipag-ugnayan sa local dubbing team para makipag-collaborate at magbahagi ng kaalaman at konteksto para sa pinakamagagandang resulta.
VOICE CASTING AT PERFORMANCE
- Creative Director
- Gusto nating maging maingat ang ating mga studio partner sa pagpili sa creative team tulad ng mga producer para sa original version. Dapat matukoy at makuha ang mga translator, adapter, director, atbp. batay sa mga kwalipikasyon o specialty para sa genre o paksang iyon ng pelikula/series. Alam nating nagiging mahirap ito dahil sa mga production schedule, kaya makipag-ugnayan sa Netflix para i-assess ang flexibility sa mga petsa kung kinakailangan.
- Gusto nating matiyak na may creative oversight/guidance sa mga recording session para sa Voice Casting. Kung posible, ang Dubbing Director na itatalaga sa title ay dapat nasa mga session pero kung hindi iyon posible dahil sa conflict sa schedule o anupamang sitwasyon, gusto nating magtalaga ang ating mga dubbing partner ng Creative Director para sa mga recording ng Voice Casting at huwag hayaan ang audio engineer o studio staff na i-direct ang mga session.
- Edad at Kasarian
- Dapat panatilihin ng casting para sa dubbed version ang orihinal na creative na layunin at dapat itong magbigay na immersive at authentic experience para sa manonood. Gawin ang lahat ng inyong makakaya para mag-cast ng talent na nauunawaan ang background at mga hamon ng character. Mag-explore sa mga casting pool ng mga nasa hustong gulang at menor de edad at pumili batay sa creative na layunin at quality ng performance.
- Voice Match at Performance
- Mainam kung makukuha ang dalawang katangiang ito pero posibleng hindi ito makatotohanan kung minsan. Mahalaga ang voice matching pero pinakamahalagang priority natin ang paggawa ng immersive experience para sa mga audience natin. Maliban kung ang voice match sa orihinal ay talagang kinakailangan dahil sa paggamit ng material mula sa original version, priority nating makuha ang pinakamagandang performance para magawa ang pinakakapani-paniwalang experience para sa audience. Gagabayan ng dubbing team ng Netflix ang mga Dubbing Director at Partner sa mga ganitong sitwasyon gaya ng kinakailangan.
- Mga Musical
- Sa content kung saan kinakailangang i-dub ang mga kanta, ang mainam na inaasahan ay makakanta ng mga dubbing actor ang mga kanta. Gayunpaman, kapag hindi marunong kumanta ang mga voice actor, guideline nating mag-cast ng singer na kaboses ng dubbing actor para masiguradong magkatugma ang boses sa mga na-dub na dialogue at sa mga kanta.
- Pronunciation at Delivery
- Gusto nating matiyak na madaling naiintindihan ang lahat ng dialogue, pero ayaw nating makompromiso ang delivery ng aktor dahil dito. Ayos lang na hindi gaanong perfect ang pagbigkas kapag nagre-record ng mga action/intense na sequence, o magkaroon ng mahinang projection sa mga tahimik at intimate na eksena. Dapat natural hangga't posible ang pronunciation at dapat tumugma ang delivery sa mga performance ng on-screen talent.
- Dapat lang gayahin ang mga accent kung mahalaga ito sa plot, character, o dialogue/humor. Dapat gayahin ang mga ito nang katulad na katulad ng sa orihinal na aktor. Sa ganitong mga sitwasyon, makipag-ugnayan sa Netflix Dubbing para sa karagdagang paglilinaw kung kinakailangan.
PAG-RECORD
- Mga Preamp
- Pakisigurado na ang mga recording preamp ay mga high quality unit na hindi bumubuo ng naririnig na ingay o labis na binabaluktot ang tunog, lalo na kapag tinataasan ang gain sa gustong recording levels o nagre-record ng maingay na performance.
- Mga Mikropono
- Mga large-diaphragm condenser microphone ang suggestion natin para sa lip-sync animation. Ni-record ang mga orihinal na boses sa mga kontroladong environment tulad ng mga sound stage at karaniwang ganitong uri ng mikropono ang ginagamit, at dahil dito, layunin nating itugma ang mga dubbed version nang malapit hangga't posible sa OV. Umaasa tayo sa teknikal na kaalaman ng ating mga recording engineer at technician sa pagpupuwesto ng mga mikroponong ito at sa pagsigurado sa tamang layo mula sa bibig ng aktor - para sa karagdagang detalye, tingnan ang ating Mga Rekomendasyon sa Pag-record ng Dialogue sa ibaba ng dokumentong ito.
- Mga DAW
- Tinatanggap ang kahit anong professional DAW sa merkado. Inaasahan nating gagamit ang ating mga dubbing partner ng professional software na nagbibigay-daan sa kanilang mga workflow at teknikal na best practice.
- Pre-recording processing
- Lubos nating inirerekomenda ang hindi paggamit ng kahit anong dynamic processor (EQ, Compression, Limiting, Noise-gate, De-Esser) sa proseso ng pag-record para ma-capture ang mga dialogue nang malinis hangga't posible at magbigay-daan sa mga sound mixer na manipulahin ang tunog gaya ng kinakailangan. Tinatanggap ang Low cut filter hangga't hindi ito lampas 100Hz.
- Walla/group
- Inaasahan nating tutugma ang mga dubbing version sa crowd/group sound design ng orihinal. Makikipagtulungan ang Netflix sa Post-production para magbigay ng maraming walla at loop group mula sa orihinal hangga't posible, pero inaasahan nating gagayahin ng lahat ng studio ang parehong layered na tunog magamit man o hindi ang mga orihinal na element na ito.
PAG-EDIT
- Mga Ingay
- Ang mga naririnig na ingay tulad ng mga pag-click ng dila at laway ay dapat alisin sa proseso ng pag-edit maliban kung kailangan ito batay sa orihinal na performance.
- Manual at mga Plug-In
- Hinihikayat ang dalawang diskarteng ito. Tinatanggap ang paggamit ng mga noise-removal plug-in hangga't hindi nakakaapekto ang proseso sa quality ng na-record na audio.
- Lip Sync
- Inirerekomendang mag-edit batay sa reference image at hindi lang sa mga audio waveform. Gusto nating ma-experience ng mga audience natin ang ating content sa kanilang wika na parang OV ang pinapanood nila. Dapat magsimula ang mga dialogue sa sandaling igalaw/ibuka ng mga on-screen na aktor ang kanilang mga bibig, at dapat itong matapos kapag tumikom ang mga bibig nila. Bukod pa rito, isaalang-alang ang mga paggalaw ng labi o hugis ng bibig at pati na rin ang gesture/paggalaw ng aktor on-screen para i-synchronize ang dialogue sa physicality para mapagkaisa ang performance.
- Off-screen na dialogue
- Para sa off-screen na naririnig na dialogue, inirerekomenda nating itugma ang waveform ng OV sa dubbed version. Dahil may iba pang audio elements (Music o SFX), gusto nating masigurado na may pagkakataon ang mga dubbed version para magampanan ng sound design ang tungkulin nito sa pagkukuwento.
- Mga Paghinga at Reaksyon
- Hinihikayat natin ang mga dialogue editor na sundin ang mga orihinal na dialogue stem para maitugma kung nasaan ang paghinga at mga reaksyon.
- Mga Fade
- Mainam kung gagamit ang mga dialogue editor ng fade-in at fade-out sa bawat dialogue. Posibleng hindi kapansin-pansin ang maka-capture na ingay tulad ng room tone o pre-amp gain habang nagre-record at nag-e-edit pero posibleng maging hindi gustong ingay ang mga ito sa proseso ng mixing.
- Pagtatalaga ng track
- Dapat italaga ng mga sound editor ang mga track sa maayos na paraan para magkaroon ng malinis na mapagsisimulang setup ang mga sound mixer.
MIXING
- Mga Level ng Dialogue
- Dapat tumugma ang mga dubbed version sa audio levels ng OV. Kung masusunod ang mga guideline sa pag-record at pag-edit, hindi kakailanganin ng mga sound mixer na itulak ang mga na-dub na dialogue at gawing mas malakas ang mga ito kaysa sa hinihingi ng OV. Para mapanatiling consistent at balanse ang mga dialogue, hinihikayat natin ang mga sound mixer na gumamit ng mga mixing controller o console para sa level automation sa halip na kahit anong dynamic processor na posibleng makaapekto sa natural na tunog na hinahangad natin.
- Dynamic Processing
- EQ
-
- Ang equalization ay isang resource para alisin o bawasan ang mga hindi gustong frequency at/o bigyang-diin ang mga gustong frequency sa mga dialogue. Ang equalization ay hindi dapat ituring na proseso para mag-compensate para sa hindi masyadong magandang recording at dahil dito, hinihikayat natin ang mga sound mixer na huwag gumamit ng equalization nang sobra para sa mga ganitong layunin.
-
- EQ
-
- Compression
-
- Tinatanggap ang compression hangga't hindi ito sobrang nakakaapekto sa dynamic ng mga dialogue. Inaasahan nating magkaroon ng mga dialogue na natural ang tunog at ang suggestion natin sa mga sound mixer ay balansehin ang mga level gamit ang volume automation bago gumamit ng compression bilang resource.
- Mga Futz
- Kapag hindi maibigay ng dubbing team ng Netflix ang mga specification o parameter ng plug-in, inaasahan nating gagayahin ng mga sound mixer ang mga futz sa OV hangga't posible. Malapit na nakikipagtulungan ang mga film-maker sa mga sound designer sa paggawa ng sound land-space para sa kanilang content at gusto nating masigurado na naibibigay ng bawat wika ang parehong experience.
-
- Compression
- Time Processing
- Reverb at Delay
-
- Ang layunin ng reverb at delay ay makapagbigay ng sonic reference sa ating mga audience sa kung nasaan ang mga character at kung saan sila nag-i-interact. Para makapagbigay ng immersive na experience, gusto nating hikayatin ang mga sound mixer na gayahin ang mga space sa OV hangga't posible kapag hindi makapagbigay ang dubbing team ng Netflix ng mga specification o parameter ng plug-in. Tinatanggap ang mga plug-in o hardware para sa mga ganitong layunin hangga't magagawa ito.
-
- Reverb at Delay
- Pag-pan at mga Perspective
- Kapag available mula sa content partner, ibibigay ng Netflix Dubbing ang mga dialogue stem ng OV sa ating mga dubbing partner, at hinihikayat natin ang mga sound mixer na gamitin ang mga ito bilang audio reference para sa pag-pan kapag hindi gaanong malinaw ang pag-pan at mga perspective para magaya sa full mix
- M&E
- Ang mga M&E track na ibibigay natin sa ating mga dubbing partner ay naaprubahan at na-QC para sa mga layunin ng dubbing mixing. Pinapayuhan natin ang mga dubbing mixer na huwag magsagawa ng kahit anong pagbabago o volume adjustment sa proseso ng mixing. Kung magkakaroon kayo ng kahit anong isyu sa mga ibinigay na M&E track, paki-flag ang mga iyon sa dubbing team ng Netflix para makapagpayo tayo sa kung ano ang gagawin.
- Mga opsyonal na track
- Karaniwang naglalaman ang mga opsyonal na track ng mga reaksyon, call-out, foreign na pananalita, at mga walla. Pinapayuhan natin ang ating mga dubbing partner na gamitin ang mga opsyonal na track sa sarili nilang pagpapasya hangga't seamless ang blending ng mga na-record na dialogue sa mga ibinigay na opsyonal na track. Magbibigay ang dubbing team ng Netflix ng mga creative at teknikal na tagubilin kapag dapat gamitin ang mga opsyonal na track para sa mga partikular na layunin.
MGA RESOURCE