Panimula |
Para sa Netflix, hindi lang language asset ang dubbing, isa itong production. Para makuha ang pinakamataas na level ng creative excellence, hinihikayat natin ang paghigit sa karaniwang ginagawa na posible sa isang dub. Ang layunin ay ang bumuo ng tiwala sa ating mga content creator sa pamamagitan ng malapit na pagtutugma ng mga global version sa orihinal nilang layunin at sa ating audience sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng seamless experience na magpapanatili ng “suspension of linguistic disbelief.”
Ang pinakamataas na level ng creative excellence sa dubbing sa Netflix ay makakamit sa pamamagitan ng:
- Pag-unawa sa creative na layunin ng orihinal na content ayon sa konteksto
- Naaangkop na representasyon pagdating sa diversity, equity, at inclusion sa lahat ng aspeto ng ating workflow
- Natural na phrasing sa na-adapt na dialogue para tumugma sa mga target na wika
- Napakatumpak na lip sync
- Authentic na voice acting
- Immersive na pag-mix ng dialogue sa orihinal na soundtrack
Ang mga sumusunod ay ang mga pangkalahatang gumagabay na prinsipyo para sa pangunahing creative players sa proseso ng dubbing,
mga creative guideline bawat vertical/uri ng content, pangkalahatang-ideya sa Kuwento ng Dubbing sa Netflix, at isang maikling kasaysayan ng industriya ng dubbing.
Dub Director |
Gumagabay na prinsipyo:
Ang dub o artistic director ay ang kapitan ng barko at siya ang responsable sa pangkalahatang tagumpay ng proyekto. Kasama ng editor at mixer, maririnig niya ang bawat salitang ire-record, at ang layunin niya ay ang makabuo ng dub na may unified, authentic, at malinaw na tunog. Sa pamamagitan ng adaptation review, casting, performance notes, mga pick-up, at mix review, ang hangarin ng dub director ay makapagbigay ng dub na tugma hangga't posible sa mga artistic na layunin ng creator ng orihinal na content, at maituturing ng mga lokal na audience na authentic hangga't posible.
Mga Karagdagang Rekomendasyon
- Dapat magpahayag ang director ng malinaw at magagawang layunin sa adapter, casting director (kung may budget), voice cast, mga mixer, at mga partner project manager.
- Dapat bumuo ang director ng positibo at collaborative na environment, kung saan nahihikayat ang bawat team member na gawin ang lahat ng kanilang makakaya para sa ikagaganda ng proyekto.
- Dapat palaging alam ng director ang timeline at budget ng proyekto, kasama ang pagtatala ng loops/words per hour, casting at pag-schedule ng mga incidental, at pag-review sa mga hinihinging pick-up.
- Sa pakikipagtulungan sa studio, dapat magpanatili ang director ng tumpak na accounting ng anumang dialogue na ire-rewrite, para sa post-project review at analysis.
- Bago mag-record, ang director, adapter, at Netflix Language Production Manager (para sa mga piling proyekto) ay dapat magsagawa ng live read-through ng na-adapt na script sa tuwing posible (kapag series, sa mga unang episode lang).
- Sa timeline ng pag-record, dapat magbigay ang director ng feedback sa adapter, habang isinusulat ang mga bagong script.
- Pagkatapos ma-record ang mga unang eksena o unang episode, dapat i-review ng director ang mga performance na iyon at dapat niyang pag-isipang balikan / i-record ulit ang mga iyon, habang mas nakikilala ang mga character at pangkalahatang tone.
Adaptation |
Gumagabay na prinsipyo:
Ang mabusising practice ng adaptation ay kasinghalaga ng dub o artistic director, dahil kapag hindi mahusay ang adaptation, mas maraming oras ang magugugol sa pagtatama ng mga problema sa mga mahal na oras sa studio at hahantong ang misrepresentation ng kultura sa mga reklamo ng manonood at negatibong atensyon mula sa media.
Ang adapter ang responsable sa paggawa ng dialogue na:
- May respetosa creative na layunin ng orihinal
- May respeto at angkop na ina-adapt (kung kinakailangan) ang mahahalagang cultural reference
- May “perfect” na sync hangga't posible (maliban sa mga VO dub)
- Natural ang tunog sa target na wika pagdating sa wording at phrasing nito
Casting |
Gumagabay na Prinsipyo:
Hindi palaging eksaktong voice matching ng screen talent ang pangunahing layunin ng mahusay na casting, dahil posibleng malaki ang pinagkakaiba-iba ng volume, pitch, articulation, at diskarte ng boses depende sa wika. Sa halip, dapat mag-cast ng mga naaangkop na boses batay sa mga katangian ng character na tutugma sa mga partikular na inaasahan ng target na audience (halimbawa, ang pitch range ng isang character sa isang wika ay posibleng hindi naaangkop sa target na wika).
Dahil isa itong subjective na proseso, ang dub director lang ang dapat magpasya pagdating sa casting, o sa mga high profile na title, nang may gabay ng orihinal na creative team at/o sa pakikipagtulungan sa Netflix language production manager. Dapat bigyang-pansin ang authentic na representation ng identity. Sa mga mas batang character, mas gusto ng Netflix ang voice talent na may naaangkop na edad, pero nauunawaan nito na hindi ito palaging posible sa ilang partikular na market.
Voice Acting |
Gumagabay na prinsipyo:
Ang mahusay na voice acting sa dubbing ay may unique na skill set, dahil hindi ito nang-aagaw ng pansin, sa halip ay bumabagay ito sa onscreen performance. Dahil dito, ang trabaho ng dubbing actor ay pagbabalanse ng authentic na pagkatawan sa onscreen character mula sa loob (sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga motivation at backstory ng character) at mabusising pag-obserba sa pisikal na kilos ng character mula sa labas, kasama ang, pero hindi limitado sa lip sync.
Ang pambihirang sync ay hindi lang sa paggalaw ng bibig, pero dapat nitong isaalang-alang ang paggalaw ng buong katawan, nang may partikular na pagtuon sa paghinga. Sa Nonfiction at Unscripted na content, bagama't hindi problema ang sync, dapat magbigay ng naaangkop na pansin sa creative na layunin ng title, para masuportahan ng VO ang experience ng manonood, sa halip na basta-basta na lang magbigay ng translation.
Mga Karagdagang Rekomendasyon:
- Pagkatapos lumagda ng NDA, dapat bigyan ang dubbing actor ng access sa na-adapt na script at video, kung posible, bago pa ang mga session niya. Nagbibigay-daan ito sa kanya na maghanda at mag-perform nang mas madali sa studio. Kapag mas kaunti ang oras sa pagpapaliwanag, mas marami ang oras sa pag-record.
- Dapat pisikal na gumalaw ang dubbing actor sa booth para baguhin ang perspective sa mikropono, alinsunod sa onscreen performance (hangga't maaabot ang sapat na volume ng recording). Para lang ito sa lip sync dubbing, hindi sa VO.
- Para sa series, dapat i-review ng director ang pre-mix ng Ep 1 kung posible, para makatulong na itakda ang tone para sa mga kasunod na episode.
Mixing |
Gumagabay na prinsipyo:
Ang layunin ng mahusay na mix ay ang gawing malapit ang tunog ng na-dub na dialogue sa tunog ng production hangga't posible. Dahil ibang-iba ang pag-record sa na-dub na dialogue kumpara sa dialogue ng production (maliban sa ADR), dapat maging maingat sa pag-blend ng dialogue sa pisikal at aesthetic na environment ng content para hindi ito parang “nakapatong” o “nasa harap” ng orihinal na mix. Bilang huling yugto ng workflow, posibleng mabawasan ng pangit na mix ang epekto ng bawat hakbang ng creative na prosesong ito.
Mga Guideline at Rekomendasyon sa bawat Vertical/Uri ng Content |
Mga Resource |
- Ang Kuwento ng Dubbing sa Netflix (ihahabol ang link)
- Kasaysayan ng Dubbing, UCAN Edition
- Diskarte ng Netflix sa Dialect
- Mga Rekomendasyon sa Live Action Recording
- Mga Rekomendasyon sa Mixing
- 5.1 Mga Guideline sa Mix Room