Welcome to the Netflix Partner Help Center. Have a question or need help with an issue? Send us a ticket and we'll help you to a resolution.

Nagbibigay sa atin ang Forced Narratives o FNs ng impormasyong mahalaga sa plot na hindi maipapahayag gamit lang ang dialogue.

Naka-force sa screen ang impormasyong ito gamit ang text overlay para masigurado na natatanggap ng viewer ang buong inilaang experience ng kuwento.

 

Bakit mahalaga ito sa iyo?

Ikaw ang storyteller, kinokontrol mo ang narrative, at kinokontrol mo ang experience ng audience mo.

 

1. On-Screen Text ✏️

Kailangang i-translate at ilagay sa screen ang anumang text sa screen na mahalaga sa kuwento. Tingnan ang mga halimbawa kung kailan dapat at hindi dapat gamitin ang mga ito:

 

Petsa at oras ng pagnanakaw Police

2023-02-28_19-23-10.png

Isinalin ang Spanish on-screen text sa Arabic FN. Mahalaga ang context na ito sa audience.

9CFB07BF-4840-485F-B96E-43E38A2FD62C__1_.jpg

Batay sa kanilang uniform at shield, alam na natin kaagad na mga pulis sila.

 

2. Dialogue 🗣

Dialogue na sinasalita sa ibang wika na HINDI kailangan o inilaan para maintindihan ng audience. Halimbawa, body language na naglalahad kung ano ang nangyayari sa halip na may dialogue. Mga halimbawa kung kailan at hindi ito kailangan:

 

Language Barrier Body language

Sa clip ng Emily in Paris na na-dub sa Turkish, nang magsalita ang landlord sa wikang French, may lumabas na Turkish FNs. Dahil dito, natutukoy ng audience ang hindi pagkakaunawaan dahil sa pagkakaiba ng wika.

Sa clip ng Bourne Identity na na-dub sa wikang Japanese, naglalaro ng cards ang isang grupo ng kalalakihan. Nagsalita sila sa wikang Italian nang walang lumalabas na forced narratives sa screen, pero hindi ito kailangan sa sitwasyong ito. Hindi mahalaga ang dialogue sa eksenang ito sa storyline at naiintindihan ng viewer ang lahat ng kailangang context sa pamamagitan ng kanilang mga kilos.

 

3. Lyrics ng Kanta 🎶

Dapat gamitin ang forced narratives sa mga lyrics ng kanta na nagsusulong ng plot o naglalantad ng impormasyon tungkol sa isang character. Nasa ibaba ang mga halimbawa:

 

Isinusulong ang kuwento Concert

Ipinapahiwatig sa atin ng FNs ng lyrics ng mga kantang ito na nahihirapan ang mga bata sa relasyon nila sa kanilang mga magulang. Kung wala ang mga ito, hindi natin iyon malalaman.

Sa clip ng Fanatico na na-dub sa wikang English, mapapanood natin si Lorenzo na nagpe-perform sa kanyang concert. Hindi isinusulong ng lyrics ang kuwento. Kaya hindi nakakatulong sa viewer ang paggamit ng FNs dito.

 

Dapat lang pag-isipang i-force ang mga kanta kung naibigay na ang rights. Palaging humingi ng clearance mula sa Netflix Dubbing representative kaugnay ng rights sa kanta.

4. Archival Footage 🕓

Puwedeng gamitin ang Forced Narratives sa Archival footage para mapanatili ang authenticity, integrity, at historical intent nito.

 

Authenticity

Sa clip ng Monsters Inside na na-dub sa wikang Italian, pansinin ang narration at may dub ang talking heads, pero wala nito ang archival footage at sa halip ay may FNs.

 

Tandaan 🧠

Kapag naglalagay ng FNs sa script mo, palaging isipin ang audience mo at ang kuwentong gusto mong ilahad.

Maging maingat sa paggamit ng FNs. Ito ang kuwentong dapat mong ihayag. Mas kaunti, mas mabisa.

Was this article helpful?
0 out of 0 found this helpful