DUB AUTHORING TEMPLATE WORKFLOW
FN FIXES SA NETFLIX AUTHORING TOOL
INSTRUCTIONS PARA SA FN SANDBOX
OVERVIEW
Nagsisilbing gabay ang document na ito para sa mga forced narrative event sa Authoring Tool ng Netflix para sa 2 workflow:
- Authoring Tool Workflow - ginagawa ang mga script sa Authoring tool ng Netflix
- Dub Authoring Template Workflow - ginagawa ang mga script sa isang third-party tool at idine-deliver sa Backlot
* Tandaan, kailangang ayusin ng lahat ng user ang mga FN QC error sa Authoring Tool ng Netflix.
ANO ANG FORCED NARRATIVE
Ang Forced Narrative ay isang text overlay na nagbibigay-linaw sa isang bahagi ng kuwento na hindi saklaw ng na-dub na audio pero kailangan para masundan ang kuwento sa target na wika.
Ang mga Forced narrative ay tinatawag na “forced” dahil naka-display ang mga ito sa screen kapag naka-set sa Off ang mga subtitle. Hindi hiwalay na napi-play ang mga ito at nag-e-exist lamang para i-complement ang na-dub na audio. Kapag magkasama, nagbibigay ang mga ito ng experience na kailangan ng audience para masundan ang kuwento sa gusto nilang wika.
AUTHORING TOOL FN WORKFLOW
Ang Authoring Tool Workflow ay para sa mga user na eksklusibong gumagamit ng Authoring tool ng Netflix para gumawa ng script ng kanilang mga task. Ang sumusunod na seksyon ay isang step-by-step guide sa paggamit ng tool para gumawa ng mga forced narrative event.
1. Piliin ang scripting task sa Originator Dashboard: https://originator.backlot.netflix.com/assigned
2. Magbubukas ang task sa Authoring tool. Piliin ang START para simulan ang authoring.
3. Kapag may lumabas na on-screen text, dialogue na nasa ibang wika, lyrics ng kanta, o archival footage sa screen na hindi na-dub pero mahalaga sa kuwento, pindutin ang +Add New button sa kanang sulok sa itaas para mag-add ng event.
4. Pindutin ang FN icon para makita ang lahat ng option sa forced narrative
5. Pindutin ang Forced Narrative toggle para i-on ang FN event. Kapag naka-on ang toggle, lalabas ang event sa screen kagaya ng kung paano ito makikita sa service.
6. Pindutin ang top position para ilipat ang FN sa itaas ng screen. Ginagamit ito para pigilan ang FN na i-block ang mahalagang impormasyon sa eksena.
7. Kapag tapos na ang lahat ng authoring at FN tagging, pindutin ang COMPLETE.
DUB AUTHORING TEMPLATE WORKFLOW
Ang Netflix Authoring tool ang pinakamabisang paraan para kumpletuhin ang mga translation task at Forced Narrative tagging kung naaangkop. Pero kapag gumagawa ng translation sa labas ng Authoring tool ng Netflix, kailangang ilagay ang translation event data sa Dub Authoring template.
Para as Forced Narrative Workflow, kailangang may dalawang column na makikita sa Dub Authoring Template:
- FN Treatment: I-type ang “FN” sa column na ito para i-tag ang event bilang isang forced narrative
- FN Position: Iwanang blank ang column na ito kapag lumabas sa ibaba ng screen ang FN event. I-type ang “TOP” kung kailangang ilagay ang FN event sa itaas ng screen.
FN FIXES SA NETFLIX AUTHORING TOOL
Kapag tapos na ang As Recorded Dub Script Request, automatic na ie-extract (iha-harvest) ang mga na-tag na Forced Narratives event at dadaan sa isang QC (Quality Control) analysis. Pagkatapos nito, kung may anumang FN error na na-flag habang nasa QC, kakailanganing i-fix ang mga ito sa Authoring tool ng Netflix.
Kapag binuksan mo ang task, ipapakita ang Forced Narrative QC at Language Dialogue (script mo).
Ipapakita ng bawat QC error ang level of severity, error message, at time code ng apektadong event. Para sa gabay sa QC errors ng forced narrative, sumangguni sa forced narrative section sa Postmix QC article.
* Para mabilis na mahanap ang mga na-flag na QC error, gamitin ang UP at DOWN arrow keys.
Sumangguni sa seksyong Authoring FN Workflow ng article para alamin kung paano gamitin ang FN feature para mag-fix ng script.
INSTRUCTIONS PARA SA FN SANDBOX
Mini-mirror ng mga Sandbox ang Script Authoring tool ng Netflix. Pinapayagan ka ng mga ito na mag-practice sa isang ligtas na lugar. may dalawang available na sandbox:
- Sandbox para sa mga partner na gumagawa ng mga Dub Script sa Script Authoring Tool ng Netflix - isang practice environment para gumawa ng mga Dub Script.
- Pumunta sa https://authoring.netflixstudios.com/vendor-test
- Sa ilalim ng Title Name - hanapin ang Space Force Season 1 Episode 1 pt-BR (o anupamang title na may Dub Script sub category)
- I-click ang title
- Ilagay ang email address mo o ang email ng user na ginagawan mo ng Sandbox
- I-click ang CREATE. Pagkatapos i-click ang CREATE, may ige-generate na natatanging Sandbox link. Maa-access lang ang link na ito ng user na nauugnay sa email na ginamit para gumawa ng Sandbox
- I-click ang na-generate na link
- Bubukas ang Project sa Editor page ng Authoring Tool ng Netflix. Puwede mong subukan ang steps sa paggawa at pag-tag ng Forced Narratives sa pamamagitan ng pag-double click ng isang event
- Sandbox para sa LAHAT ng partner kapag nagpi-fix ng mga FN Quality Control (QC) error sa Script Authoring Tool ng Netflix - isang practice environment para mag-fix ng isang FN QC error.
- Pumunta sa https://authoring.netflixstudios.com/vendor-test
- Sa ilalim ng Title Name - hanapin ang América vs. América (FKA Club América): Season 1: “La telenovela perfecta (101)”
- I-click ang title
- Ilagay ang email address mo o ang email ng user na ginagawan mo ng Sandbox
- I-click ang CREATE. Pagkatapos i-click ang CREATE, may ige-generate na natatanging Sandbox link. Maa-access lang ang link na ito ng user na nauugnay sa email na ginamit para gumawa ng Sandbox
- I-click ang generated link
- Bubukas ang Project sa QC error page ng Script Authoring Tool ng Netflix. Lalabas ang dalawang column: ipapakita sa center column ang mga QC error (read-only) at sa right column ka gagawa ng QC fixes