Welcome to the Netflix Partner Help Center. Have a question or need help with an issue? Send us a ticket and we'll help you to a resolution.

Nagbibigay ng guidelines at requirements ang article na ito para sa mga dubbing studio para matukoy ang lahat ng pagkakataon sa content kung saan kinakailangan ang forced narrative para sa kanilang na-dub na audio.

Ang instructions na nasa article na ito ay para sa forced narratives para sa na-dub na audio ng long-form content na comissioned ng Dubbing team ng Netflix. 

Anupamang use case ng forced narrative ay hindi subjective o saklaw ng guidelines na ito.

 

Talaan ng nilalaman

Forced Narratives (FN)

Guidelines ng Forced narrative

Mga kinakailangan sa Forced narratives

Main Title

Episode Title

Netflix credits

Style

Mga use case ng Forced narratives

On-screen text

Dialogue na nasa ibang wika

Mga Kanta

Archival footage

 

Forced Narratives (FN)

Ang forced narrative ay isang text overlay (subtitle) na nagbibigay-linaw sa isang bahagi ng kuwento na hindi saklaw ng naka-dub na audio pero kinakailangan para masundan ang kuwento sa target na wika. 

Ang mga Forced narrative ay tinatawag na “forced” dahil naka-display ang mga ito sa screen kapag naka-set sa Off ang mga subtitle. Hindi hiwalay na napi-play ang mga ito at nag-e-exist lamang para i-complement ang na-dub na audio. Kapag magkasama, nagbibigay ang mga ito ng experience na kailangan ng audience para masundan ang kuwento sa gusto nilang wika.

Kasama sa mga pinakakaraniwang use case ng isang forced narrative ang:

  • Ang mga on-screen text, na idinagdag habang nasa post-production (gaya ng location cards at iba pang graphics) o bahagi ng principal photography (text na nasa environment ng kuwento).
  • Sinasalitang dialogue sa wikang iba sa pangunahing wika ng content. 
  • Lyrics ng kanta na nagbibigay ng mahalagang impormasyon ng plot.
  • Archival footage.

 

Guidelines ng Forced Narrative

Mahalagang bahagi ng dubbing process ang maingat na pagpapasya kung ano ang dapat na i-dub at ano ang dapat ipahayag bilang isang forced narrative para makamit ang kahusayan sa pagiging malikhain. Bilang mga creator ng na-dub na audio, dapat tukuyin ng mga dubbing studio kung aling mga element sa content ang wala sa na-dub na audio at kailangang nasa forced (narrative).

Ito ang guidelines ng Netflix sa pagpili ng mga event para sa forced narrative file:

  • Dapat tukuyin ng mga dubbing studio ang mga event na nagangailangan ng forcing batay sa content, cultural preferences ng target audience, at guidelines para sa creative excellence ng dubbing ng Netflix. 
  • Bawat event na pinili para sa forcing ay dapat na mahalaga sa plot, na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kuwento (o sa mga character) na hindi pa naihahayag sa na-dub na audio at kailangan para maintindihan ang kuwento.
  • Hindi dapat sumalungat ang mga event na napili para sa FN file sa na-dub na audio. Hindi ito dapat magbigay ng labis, paulit-ulit, o hindi kinakailangang pagtalakay, o magkulang ng pagtalakay kung kinakailangan.

Mahalaga:

  • Siguraduhing sumusunod din sa FN guidelines at sa creative excellence guidelines na partikular sa wika mo.
  • Mangingibabaw ang mga project-specific forcing instruction na ibinigay ng Netflix (hal., sa Show Guide o CLP broadcast messages) sa guidelines sa document na ito at sa forcing guidelines para sa wika mo.

 

MGA KINAKAILANGAN SA FORCED NARRATIVES

Ang mga ito ay mga special element sa content na nangangailangan ng higit na atensyon, at dapat sundin ng mga dubbing studio ang instructions sa ibaba maliban kung nasa instructions ng Dubbing point of contact ng Netflix.

 

MAIN TITLE

  • Dapat piliin ang on-screen main title para i-force kung may naaprubahang title para sa wika mo na available sa Terminology, at hindi ito match sa title na lumalabas sa screen.
  • Palaging gamitin ng inaprubahang main title. Huwag mo itong i-translate.
  • Huwag piliin ang main title para sa pag-force kapag ang naaprubahang title sa wika mo sa Terminology at kapareho ng main title sa content.

 

EPISODE TITLE

  • Dapat i-force ang episode title kung lumalabas ito sa screen at hindi nalagyan ng voice over sa na-dub na audio.
  • Tingnan ang Terminology para sa mga naaprubahang episode title sa wika mo. Huwag basta i-translate ang episode title.
  • Huwag piliin ang episode title para i-force kung redundant ito sa wika mo.
  • Korean lang: huwag piliing i-force ang episode title. Lumalabas man ito sa screen o hindi, may voice over man ito o wala.

 

NETFLIX CREDITS

  • Huwag piliing i-force ang Netflix original credit maliban kung nasa instructions ng point of contact mo sa Netflix.
  • Kung hiniling sa iyong mag-force ng Netflix Credit, sumangguni sa Netflix Original Credits document para sa inaprubahang translation sa wika mo.

 

STYLE

  • Gumamit ng maximum na dalawang line sa bawat event na napili para sa forcing.
    • Kung kulang ang dalawang line, hatiin ang event.
  • Limitahan ang bawat line sa maximum na 42 characters para sa karamihan ng mga wika.
    • Mga Exception:
      • Korean: limitahan ang bawat line sa 16 characters.
      • Thai: limitahan ang bawat line sa 35 characters.
      • Traditional and Simplified Chinese: limitahan ang bawat line sa 16 characters.
      • Japanese: 
        • Limitahan ang mga horizontal line sa 13 full-width characters.
        • Limitahan ang mga vertical line sa 11 full-width characters.

 

MGA USE CASE NG FORCED NARRATIVES

ON-SCREEN TEXT

  • Dapat na nasa ALL CAPS ang mga event na nagta-translate ng on-screen text na napili para i-force kung may capitalization ang alphabet ng wika.
  • Dapat na mag-match ang mga event na nagta-translate ng on-screen text sa tagal ng on-screen text habang sinusunod pa rin ang pinapayagang minimum at maximum na tagal.
    • Minimum na tagal: 20 frames
    • Maximum na tagal: 7 seconds
    • Kapag nag-fade in o nag-fade out na ang on-screen text, mag-experiment ng iba’t ibang timing at subukang mag-sync sa pagitan ng event at on-screen text.

 

DIALOGUE NA NASA IBANG WIKA

Ang dialogue na nasa ibang wika ay tumutukoy sa dialogue na sinasalita sa wikang iba sa pangunahing wika ng content.

  • Piliin ang mga forcing event na may dialogue na nasa ibang wika na dapat maintindihan ng audience at hindi na-dub sa target na wika (dialogue na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa plot).

 

MGA KANTA

Bawat kanta sa content ay maingat at sinadyang piliin para tumulong na maglahad ng kuwento. Angkop ang mga ito sa creative vision ng mga content creator.

Para sa mga kantang nanatili sa original version sa na-dub na audio:

  • Pag-isipang piliin na mag-force ng mga kanta na mahalaga sa plot, na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kuwento, o mga character, na hindi basta makukuha ng audience. 
  • Hindi dapat i-force ang soundtrack, kasama ang opening at closing theme song (maliban kung nasa instruction ng Netflix).
  • I-italize ang mga na-translate na lyrics ng kanta na pinili para sa i-force.
  • Gamitin lang ang mga question mark at exclamation mark sa dulo ng line na nagta-translate ng lyrics ng kanta (walang kuwit o tuldok).
  • Dapat lang pag-isipang i-force ang mga kanta kung nakakuha na ng rights nito.
  • Nag-iiba-iba ang rights sa iba’t ibang song category, original (commissioned para sa content), licensed, at public domain. Palaging humingi ng clearance mula sa Netflix Dubbing representative kaugnay ng rights sa kanta.

 

 ARCHIVAL FOOTAGE

  • Piliin ang mga forcing event na nagta-translate ng archival footage na hindi na-dub at mahalaga sa kuwento.
  • Sumangguni sa creative excellence guidelines ng wika mo para maunawaan kung ano ang itinuturing na archival footage at paano ito ituturing.
Was this article helpful?
0 out of 0 found this helpful