Welcome to the Netflix Partner Help Center. Have a question or need help with an issue? Send us a ticket and we'll help you to a resolution.

Pinag-uugnay natin ang mga global storyteller at mga lokal na boses para maging accessible ang kasiyahan sa lahat ng audience sa pamamagitan ng innovation at authenticity.

 

TRANSLATION/ADAPTATION

  • Mga Colloquialism
    • Gusto nating maka-relate ang mga audience natin sa content na pinapanood nila at maipaabot ang mensaheng gustong iparating ng original voice (“OV”). Maliban kung period piece ang content o kung ang paggamit ng wika sa OV ay iba sa paraan ng pagsasalita ng mga tao sa ngayon, ang suggestion natin ay gumamit ang mga dubbing translator ng kolokyal na pananalita kapag naaangkop ito sa content. 
  • Censorship
    • Layunin nating respetuhin ang orihinal na creative na layunin hangga't posible sa mga dubbed version natin. Dapat isalin ang dialogue (kasama ang mga pagmumura) nang tapat hangga't posible, nang hindi gumagamit ng dialect o mga salitang magpapasok ng level ng kabastusang hindi ipinapahiwatig sa content. Lubos nating hinihikayat ang mga dubbing adapter na huwag bawasan o i-censor ang kahit anong pagmumurang ginamit sa OV (nang sumusunod sa mga lokal na batas). 
    • Kung may mga bleep: I-translate ang mga na-censor na pagmumura sa hindi masyadong matapang na paraan. Iwasang i-assume kung anong mura ang ginamit. (Tingnan ang Mixing: Mga specification sa mga bleep para sa mixing.)
  • Sensitibo at Inclusive na terminology
    • Mga priority sa Netflix ang Inclusion at Diversity (“I&D”) at bagama't malayo na ang narating natin, may mga matututunan pa rin tayo pagdating sa mas mahusay na pagpaparating ng ating mga pangangailangan at inaasahan sa dubbing community. Kapag pinag-uusapan ang I&D sa content natin, magbibigay ng gabay at suporta ang dubbing team ng Netflix para matiyak na nagbibigay tayo ng respeto sa ating mga audience. 
  • Kilala nang Intelektwal na Ari-arian at mga Franchise'
    • Ang ilan sa ating mga show ay batay sa o ibabatay sa kilala nang intellectual property (“IP”) na na-translate para sa iba pang anyo ng content (mga video game, libro). Ibibigay ng dubbing team kung aling mga source ang dapat gamitin bilang mga pangunahing sanggunian para maging consistent sa lahat. Para sa mga title kung saan hindi tayo magbibigay ng mga reference o gabay, inaasahan nating proactive na magre-research ang ating mga partner at aalamin nila kung ano ang pinakamaganda para sa content sa kanilang wika. 
  • Research
    • Marami sa Nonfiction at Unscripted na content ang gumagamit ng bokabularyong partikular sa paksa na posibleng hindi alam ng karamihan. Gusto nating hikayatin ang mga translator at adapter na nag-aasikaso ng ganitong content na magkaroon ng dati nang kaalaman/karanasan at/o mag-research nang mabuti para masiguradong may parehong level ng expertise ang mga dubbed version natin. Makipag-ugnayan sa local dubbing team para makipag-collaborate at magbahagi ng kaalaman at konteksto para sa pinakamagagandang resulta. 
  • Archival Footage
    • Sa pangkalahatan, hindi dapat i-dub ang archival footage at sa halip ay dapat itong lagyan ng mga forced narrative para mapanatili ang authenticity, integridad, at makasaysayang layunin ng archival source content.
    • Karaniwang itinuturing na archival material ang kahit anong makasaysayan at nakunan sa labas ng mismong pelikula/series. Ang mga halimbawa ng mga karaniwang ginagamit na archival material ay: Na-record na audio mula sa mga pag-amin/tawag sa telepono, footage ng balita sa TV, footage sa hukuman, mga speech mula sa mga pulitiko o aktibista, dati nang IP. Kung hindi malinaw kung archival ang isang linya/eksena, humingi ng payo mula sa Netflix representative ninyo. 
    • Posibleng mag-iba ang pagproseso sa archival depende sa wika. Posibleng mas mainam para sa inyong teritoryo na mag-dub ng archival, lalo na kung malaki ang porsyento ng archival na posibleng makagambala sa experience ng manonood (kapag masyadong maraming forced narrative na babasahin). Tandaang unique ang bawat title at posibleng humingi ang Netflix representative ng ibang pagpoproseso sa mga partikular na title.
  • Pagproseso sa Musika/Kanta
    • Dapat lang i-translate at isama sa forced narrative file (hindi i-dub) ang mga kanta kung mahalaga ito sa plot at kung naibigay ang mga karapatan. Hal. "Wild Wild Country" Humingi ng clearance sa kanta mula sa inyong Netflix representative.
  • Pagproseso sa Foreign na Wika at mga Accent
    • Para sa mga show na may nakakalat na foreign dialogue, o mahalaga sa plot ang foreign dialogue, may gagawing forced narrative file para sa foreign dialogue sa halip na maglagay ng voice-over. (hal.: “Dirty Money”: may French Canadian na sinasalita sa buong episode na “The Maple Syrup Heist” na na-translate gamit ang mga forced narrative.)
    • Kung ang foreign dialogue ay humigit-kumulang 40% pataas ng run time (hal.: “Chef’s Table”), mas mainam kung ida-dub ang dialogue na ito sa halip na gumamit ng mga forced narrative, dahil magiging magulo ang experience kung masyadong maraming forced narrative.
    • Huwag gayahin ang mga accent at/o pagkakamali sa grammar ng mga nagsasalita ng wikang hindi nila native language. Sa pangkalahatan, dapat iwasan ang paggamit ng mga accent ng wika, dahil ang accent na hindi tumpak ang paglalapat/pagkakagaya ay posibleng maituring na insensitive o offensive sa mga partikular na cultural at/o ethnic group.
    • Humingi ng payo sa Netflix kung hindi malinaw kung paano ipoproseso ang foreign dialogue o mga accent.

VOICE CASTING AT PERFORMANCE

  • Creative Director
    • Gusto nating matiyak na may creative oversight/guidance sa mga recording session para sa Voice Casting. Kung posible, ang Dubbing Director na itatalaga sa title ay dapat nasa mga session pero kung hindi iyon posible dahil sa conflict sa schedule o anupamang sitwasyon, gusto nating magtalaga ang ating mga dubbing partner ng Creative Director para sa mga recording ng Voice Casting at huwag hayaan ang audio engineer o studio staff na i-direct ang mga session. 
  • Edad at Kasarian
    • Ang layunin ay maipakita ng mga dubbed version natin kung paano ipinepresenta ang on-screen talent nang malapit hangga't posible at gusto nating masigurado na ang voice talent ay kina-cast sa paraang masusunod ang orihinal na delivery ng mga on-screen na kalahok. Lubos nating hinihikayat ang mga dubbing partner natin na mag-cast ng talent ayon sa naaangkop at nauugnay na edad at kasarian ng boses para makamit ang pinakamagandang natural na vocal match. 
  • Voice Match at Performance
    • Mainam kung makukuha ang dalawang katangiang ito pero posibleng hindi ito makatotohanan kung minsan. Mahalaga ang voice matching pero unang priority natin ang paggawa ng immersive experience para sa mga audience natin. Kung hindi sabay na makakamit ng isang voice actor ang voice at performance match, priority nating makuha ang pinakamagandang performance para mabuo ang pinakakapani-paniwalang experience para sa audience. Gagabayan ng dubbing team ng Netflix ang mga Dubbing Director at Partner sa mga ganitong sitwasyon gaya ng kinakailangan. Gayahin ang energy/tone ng OV. 
        • Mga Documentary: Gumamit ng pinakamahusay na pagpapasya kapag inaalam ang tone at rhythm ng nagsasalita, pati na rin ang bilis at haba ng oras na kinakailangan para sa translation. Dapat consistent ang tone at balanse para masunod ang content.
        • Unscripted: May ilang unscripted na title na posibleng mangailangan ng mas masiglang performance dahil sa katangian ng content (hal. mga cooking show, kumpetisyon). Gumamit ng pinakamahusay na pagpapasya sa paggawa ng mga desisyong ito sa tone at rhythm ng nagsasalita.
  • Mga Kilala nang Boses
    • Palaging mainam para sa atin na isaalang-alang na kumuha ng talent na dati nang nagbigay ng boses sa isang kalahok sa mga dating season o show sa content ng Netflix. Kung matagal nang nagbibigay ng boses ang isang voice actor sa isang on-screen na kalahok sa ating mga show, inaasahan nating gagamitin sa production ang boses na iyon maliban kung iba ang ipapagawa ng Netflix.
  • Pronunciation at Delivery
    • Gusto nating matiyak na madaling naiintindihan ang lahat ng dialogue, pero ayaw nating makompromiso ang delivery ng aktor dahil dito. Ayos lang na hindi gaanong perfect ang pagbigkas. Dapat natural hangga't posible ang pronunciation at dapat tumugma ang delivery sa mga performance ng on-screen talent. 
  • Mga Reaksyon
    • Alinsunod sa ating mga guideline sa VO dubbing, hindi inaasahang i-record ang mga reaksyon (Mga pagtawa, mga ingay ng reaksyon, pag-iyak, atbp). Huwag mag-record ng kahit anong hindi itinuturing na dialogue.

PAG-RECORD

  • Mga Preamp
    • Tinatanggap ang paggamit ng mga analog o digital na preamp. Kung analog ang mas gusto, pakisiguradong hindi nagkakaroon ng naririnig na ingay kapag tinataasan ang gain sa mga gustong recording level. 
  • Mga Mikropono 
    • Lubos nating hinihikayat ang paggamit ng mga large-diaphragm condenser microphone. Mainam kung makakapagbigay ng narration-type na tunog at para sa atin, naibibigay ng ganitong mga mikropono ang experience na hinahanap natin sa VO style dubbing.
  • Mga DAW
    • Tinatanggap ang kahit anong professional DAW sa merkado. Inaasahan nating gagamit ang ating mga dubbing partner ng professional software na nagbibigay-daan sa kanilang mga workflow at teknikal na best practice. 
  • Pre-recording processing
    • Lubos nating inirerekomenda ang hindi paggamit ng kahit anong dynamic processor (EQ, Compression, Limiting, Noise-gate, De-Esser) sa proseso ng pag-record para ma-capture ang mga dialogue nang malinis hangga't posible at magbigay-daan sa mga sound mixer na manipulahin ang tunog gaya ng kinakailangan. Tinatanggap ang Low cut filter hangga't hindi ito lampas 100Hz. 

PAG-EDIT

  • Mga Ingay
    • Ang mga naririnig na ingay tulad ng mga pag-click ng dila at laway ay dapat alisin sa proseso ng pag-edit maliban kung kailangan ito batay sa orihinal na performance.
  • Manual at mga Plug-In
    • Hinihikayat ang dalawang diskarteng ito. Tinatanggap ang paggamit ng mga noise-removal plug-in hangga't hindi nakakaapekto ang proseso sa quality ng na-record na audio. 
  • Audio Sync
    • Inirerekomenda natin ang pag-edit gamit ang audio reference para marinig ang orihinal na audio sa loob ng 1-3 segundo bago magsimula ang na-dub na dialogue. Dapat matapos ang na-dub na dialogue kasabay ng OV.
  • Mga Fade
    • Mainam kung gagamit ang mga dialogue editor ng fade-in at fade-out sa bawat dialogue. Posibleng hindi kapansin-pansin ang maka-capture na ingay tulad ng room tone o pre-amp gain habang nagre-record at nag-e-edit pero posibleng maging hindi gustong ingay ang mga ito sa proseso ng mixing. 

MIXING

  • Mga Level ng Dialogue
    • Dapat tumugma ang mga dubbed version sa audio levels ng OV. Kung masusunod ang mga guideline sa pag-record at pag-edit, hindi kakailanganin ng mga sound mixer na itulak ang mga na-dub na dialogue at gawing mas malakas ang mga ito kaysa sa hinihingi ng OV. Para mapanatiling consistent at balanse ang mga dialogue, hinihikayat natin ang mga sound mixer na gumamit ng mga mixing controller o console para sa level automation sa halip na kahit anong dynamic processor na posibleng makaapekto sa natural na tunog na hinahangad natin. 
  • Dynamic Processing 
    • EQ
        • Ang equalization ay isang resource para alisin o bawasan ang mga hindi gustong frequency at/o bigyang-diin ang mga gustong frequency sa mga dialogue. Ang equalization ay hindi dapat ituring na proseso para mag-compensate para sa hindi masyadong magandang recording at dahil dito, hinihikayat natin ang mga sound mixer na huwag gumamit ng equalization nang sobra para sa mga ganitong layunin. 
    • Compression
        • Tinatanggap ang compression hangga't hindi ito sobrang nakakaapekto sa dynamic ng mga dialogue. Inaasahan nating magkaroon ng mga dialogue na natural ang tunog at ang suggestion natin sa mga sound mixer ay balansehin ang mga level gamit ang volume automation bago gumamit ng compression bilang resource. 
    • Mga Futz 
        • Sa mga napakaespesyal na sitwasyon, hihilingin natin sa ating mga partner na magdagdag ng futz effect para sa Nonfiction na content na naglalaman ng archival footage (hal. T.V. / radio broadcast), may espesyal na treatment o effect para mag-anonymize ng kalahok, atbp. Kapag partikular na humiling ng mga futz para sa VO, inaasahan nating gagayahin ng mga sound mixer ang mga futz sa OV hangga't posible. 
  • Print Master (pag-dip)
    • Dapat gamitin ang mga PM track na ibibigay natin para sa mixing. Ang best practice para sa VO Mixing ay i-dip ang orihinal na audio para marinig ng mga audience ang na-dub na dialogue. Inaasahan lang ang mga pag-dip kapag may na-dub na dialogue at dapat itong maging smooth hangga't posible para hindi maituring na biglang paghina sa audio track. Ayos lang gumamit ng mga gate/side-chain plugin hangga't seamless at hindi nakaka-distract ang mga transition. 
  • Mga opsyonal na track
    • Para sa mga piling title, magbibigay ang dubbing team ng mga Opsyonal na track para sa Nonfiction na content. Pinapayuhan natin ang ating mga dubbing partner na gamitin ang mga opsyonal na track sa sarili nilang pagpapasya hangga't maayos ang blending ng mga na-record na dialogue sa mga ibinigay na opsyonal na track. Magbibigay ang dubbing team ng Netflix ng mga creative at teknikal na tagubilin kapag dapat gamitin ang mga opsyonal na track para sa mga partikular na layunin. 
  • Mix-Minus Narration
    • Maliban kung partikular na ipinagawa, huwag mag-alis ng mga narrator stem/gumamit ng mix-minus track. Halimbawa, sa mga documentary, madalas ikinukuwento ng narrator ang sarili niyang karanasan (bilang first-person narrator), at kapag pinapanatili ang kanyang boses, napapanatiling authentic ang content. Ibang-iba ang tungkuling ito sa omniscient na third-person narrator na puwedeng palitan ng lokal na boses. 
  • Mga Bleep
    • Huwag gayahin ang bleep sa voice-over. Hayaang naririnig ang bleep sa orihinal na mix para maiparating ang creative na layunin. 

MGA TRAILER

  • Kung dahil sa cut ng trailer ay nagiging mahirap na magkaroon ng 1-2 second delay effect, tinatanggap na mag-sync ang VO sa orihinal na dialogue.
  • Kung nagiging jarring ang experience sa mga VO dub dahil sa cut ng trailer, makipag-ugnayan sa inyong Netflix representative para pag-usapan ang pinakamagandang diskarte. 
  • Dapat tumugma sa long form ang Dubbing Style (hal. VO para sa mga interview, Lip Sync para sa mga recreation, atbp.).
  • Wala dapat dub ang archival footage at foreign dialogue (AKA dialogue na wala sa source language). Lalagyan ang mga instance na ito ng mga forced narrative. Magbibigay ng instructions kung ibang pagpoproseso ang kakailanganin.

MGA RESOURCE

Partner Help Center Community (iba't ibang paksa, kasama ang pagpoproseso ng mga sensitibong paksa - kailangang mag-log in)

Was this article helpful?
0 out of 0 found this helpful